*sigh*
*tingin sa mga friends*
*suklay ng buhok*
Girls how are ya? Me? I’m doing fine. Eto nagmu-move on na. Sometimes no matter how hard we try to keep saving a relationship your effort is not good enough, kailangan din kasi ng effort ng karelasyon mo. Eh ayun sumakabilang bahay na siya eh. Ang hirap ng laging ikaw ang gumagawa ng paraan. Te-text mo hindi magrereply. Tatawagan mo hindi sasagutin. After 48 gazillion year saka magtetext.. “Sorry nagdodota ako eh” TAMA BA YON? *sigh* Bakit sa isang relasyon laging babae ang lumalabas na may kasalanan? Kesyo nagger! Demanding! Amazona! Selosa! Nakaksakal n daw! Possessive hay ang daming dahilan! *iling* Liligawan ka, magpapakita ng effort, papaibigin ka tapos sa huli iiwan kang luhaan at minsan iiwan ka pang di na virgin. Wala na eh nakuha na nila gusto nila sayo.
Ang hirap lang tanggapin na ikaw ang masisisi, Bakit? did I tell you to fall in love with me? To court me? To make an effort? It’s not my choice….It was yours! Unless you are being possessed by an entity that others can’t see. Or alien abducts you and they are controlling your mind. *Pathetic* Honestly if I like a guy I will court him *trust me I did it once* iba na ang generation ngayon. So you can’t tell me na utang na loob ko pa na niligawan mo ako. PLEASE LNG! Kung nahihirapan ka jusko do me a favor and die! *bitter?*
Hindi mo masisi kaming mga girls kung hindi agad kami maniniwala na mahal kami ng naliligaw sa amin. Malay ba naming kung nagpupustahan lng kayong magto-tropa? Katulad ng sa mga teleseryeng napapanuod namin? O di kaya eh nagpa-power tripping lang kayo? Dapat naming mapatunayan na sincere kayo kung hindi kami din ang kawawa sa huli… magmumukang tanga tapos pagtatawanan.
There are no guarantees in LOVE minsan akala mo Prinsipe un pala FROG! Pag may nanligaw sa amin tapos binasted agad sasabihin ng lalake “Bigyan mo naman ako ng chance, para makilala mo ako”. Pag binigyan mo ng chance at kinilala mo pero wala talagang maramdaman sa kanya sasabihin niya “Pinaasa mo lang ako” ANU BA? Make up your mind dude! Sabi nila pagnagmahal ka lahat ay gagawin mo para sumaya lamang ang taong mahal mo. What if her happiness does not depend on you anymore? Paano kung hindi na talaga ikaw ang mahal niya? Masisisi mo ba siya? Kung mawala na lang ang spark? *sniff* Paano kung mas masaya siya na wala ka? Magpapaka selfish ka ba? Kung oo ang sagot mo Di mo siya mahal. LIBOG lng yan maligo k na lng ng mahimasmasan ka! SELFISH!
Girls pagpumasok na sa usapan ang FAITHFULNESS pantay lang ang lahat. Gender equality! Hindi porke babae eh cheater na! Eh kung kayo ang sabihan ng cheater? Di ba uusok mga ilong ninyo? My point is mas honest lng tayo when it comes to relationships and we have courage. If we don’t like/love you anymore sasabihin agad naming unlike guys na itatago tapos may ide-date na iba habang kayo pa. Pag nahuli mo may ibang babae sasabihing “Sorry sasabihin ko naman talaga sayo humahanap lng ako ng timing… ayaw kitang nakikitang nasasaktan. Sorry” FOOL!
You can’t judge someone’s feelings. You don’t know it.
Advise sa mga may nililigawan at nahihirapan pero mahal na mahal ang girl. Sana intindihin mo. Malay mo naman naggaling siya sa relationship at it was a failure at nahihirapan na siyang magtiwala sa mga lalake. Tell her “I’m not gonna let you go as easily as the stupid guy who broke your heart.”
*end rant*
Disclaimer: Trip ko lng gawin to. Just for fun. This is not intended for anyone in particular. This does not apply to me (ung iba lng.) hindi rin to base on experience. Haha. Enjoy n lng